Lucas 2

Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, nag-usap-usap ang mga pastol, “Tayo na sa Bethlehem at tingnan natin ang mga pangyayaring sinabi sa atin ng Panginoon.”

Luke 2:15 (UKJV) And it came to pass, as the angels were gone away from them into heaven, the shepherds said one to another, Let us now go even unto Bethlehem, and see this thing which has come to pass, which the Lord has made known unto us.

13Walang ano-anoʼy lumitaw mula sa langit ang isang napakalaking hukbo ng mga anghel at sama-sama silang nagpuri sa Diyos. Sinabi nila,

14“Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa naman ay kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan!”

15Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, nag-usap-usap ang mga pastol, “Tayo na sa Bethlehem at tingnan natin ang mga pangyayaring sinabi sa atin ng Panginoon.”

16Kaya nagmadali silang pumunta roon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.

17Nang makita nila ang sanggol, isinalaysay nila ang sinabi ng anghel tungkol sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.