15Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, nag-usap-usap ang mga pastol, “Tayo na sa Bethlehem at tingnan natin ang mga pangyayaring sinabi sa atin ng Panginoon.”
16Kaya nagmadali silang pumunta roon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.
17Nang makita nila ang sanggol, isinalaysay nila ang sinabi ng anghel tungkol sa kanya.
18Namangha ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol.
19Ngunit si Maria, isinapuso niya ang lahat ng ito at pinagbulay-bulayan.