Lucas 2

Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang sanggol at pinangalanang Hesus. Ito ang pangalang ibinigay ng anghel bago siya ipinaglihi ni Maria.

Luke 2:21 (UKJV) And when eight days were accomplished for the circumcising of the child, his name was called JESUS, which was so named of the angel before he was conceived in the womb.

19Ngunit si Maria, isinapuso niya ang lahat ng ito at pinagbulay-bulayan.

20Bumalik sa parang ang mga pastol na labis na nagpupuri sa Diyos dahil sa lahat ng kanilang narinig at nakita, na ayon sa sinabi ng anghel.

21Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang sanggol at pinangalanang Hesus. Ito ang pangalang ibinigay ng anghel bago siya ipinaglihi ni Maria.

22Nang dumating na ang araw ng seremonya ng paglilinis ayon sa Kautusan ni Moises patungkol sa babaeng nanganak, pumunta sina Jose at Maria sa Jerusalem. Dinala rin nila ang sanggol sa Jerusalem para ihandog sa Panginoon.

23Sapagkat nasusulat sa Kautusan ng Panginoon, “Ang bawat panganay na lalaki ay kailangang ihandog sa Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.