Lucas 2

Nang maisagawa na nina Jose at Maria ang lahat ng dapat nilang gawin ayon sa Kautusan ng Panginoon, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret na sakop ng Galilea.

Luke 2:39 (UKJV) And when they had performed all things according to the law of the Lord, they returned into Galilee, to their own city Nazareth.

37At namuhay siyang isang biyuda hanggang sa edad na walumpuʼt apat. Araw-gabi siyang nasa Templo na sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno.

38Noong oras ding iyon, lumapit siya kina Jose at Maria at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay ng pagliligtas ng Diyos sa Jerusalem.

39Nang maisagawa na nina Jose at Maria ang lahat ng dapat nilang gawin ayon sa Kautusan ng Panginoon, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret na sakop ng Galilea.

40Lumaki ang batang si Hesus at naging malakas, at siyaʼy napakatalino at kalugod-lugod sa Diyos.

41Bawat taon pumupunta ang mga magulang ni Hesus sa Jerusalem upang dumalo sa Pista ng Paglampas ng Anghel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.