Lucas 2

At namuhay siyang isang biyuda hanggang sa edad na walumpuʼt apat. Araw-gabi siyang nasa Templo na sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno.

Luke 2:37 (UKJV) And she was a widow of about fourscore and four years, which departed not from the temple, but served God with fastings and prayers night and day.

35Kaya ikaw mismo ay masasaktan, na parang sinaksak ng patalim ang puso mo. At dahil sa gagawin niya, mahahayag ang kasamaang nasa isip ng maraming tao.”

36Naroon din sa ang isang babaeng propeta na matandang-matanda na. Siya si Ana na anak ni Fanuel at mula sa lahi ni Asher. Namatay ang kanyang asawa noong pitong taon pa lamang silang kasal.

37At namuhay siyang isang biyuda hanggang sa edad na walumpuʼt apat. Araw-gabi siyang nasa Templo na sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno.

38Noong oras ding iyon, lumapit siya kina Jose at Maria at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay ng pagliligtas ng Diyos sa Jerusalem.

39Nang maisagawa na nina Jose at Maria ang lahat ng dapat nilang gawin ayon sa Kautusan ng Panginoon, bumalik na sila sa kanilang bayan, sa Nazaret na sakop ng Galilea.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.