2(Ito ang kauna-unahang sensus na naganap nang si Cirenio ang gobernador ng lalawigan ng Siria.)
3Kaya umuwi ang lahat ng tao sa sarili nilang bayan upang magpalista.
4Dahil si Jose ay nagmula sa angkan ni Haring David, naglakbay siya mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at umuwi sa Bethlehem sa lalawigan ng Judea, sa bayang sinilangan ni David.
5Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na nooʼy malapit nang manganak.
6At habang naroon sila sa Bethlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria.