Lucas 2

At sa ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa templo na nakaupong kasama ng mga tagapagturo ng Kautusan. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong.

Luke 2:46 (UKJV) And it came to pass, that after three days they found him in the temple, sitting in the midst of the doctors, both hearing them, and asking them questions.

44Ang akala nilaʼy kasama siya ng iba nilang kababayan na pauwi na rin, kaya nagpatuloy lang sila sa paglalakad buong araw. Bandang huli ay hinanap nila si Hesus sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan.

45Nang malaman nilang wala si Hesus sa kanila, bumalik sila sa Jerusalem upang hanapin siya doon.

46At sa ikatlong araw, natagpuan nila si Hesus sa templo na nakaupong kasama ng mga tagapagturo ng Kautusan. Nakikinig siya sa kanila at nagtatanong.

47Ang lahat ng nakarinig sa kanya ay namangha sa kanyang pang-unawa at sa kanyang mga sagot.

48Nang matagpuan siya roon ng kanyang mga magulang, nagtaka sila. Tinanong siya ng kanyang ina, “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Balisang-balisa na kami ng iyong ama sa paghahanap sa iyo!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.