Lucas 20

Sinabi nila, “Guro, ayon po sa batas na isinulat ni Moises, kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa kanyang asawa, dapat ay pakasalan ng kapatid niyang lalaki ang naiwan niyang asawa, upang magkaanak sila para sa kanya.

Luke 20:28 (UKJV) Saying, Master, Moses wrote unto us, If any man's brother die, having a wife, and he die without children, that his brother should take his wife, and raise up seed unto his brother.

26Nabigo ang mga espiya sa pakay nilang mabitag si Hesus sa kanyang pananalita sa harapan ng mga tao. At dahil namangha sila sa kanyang sagot, tumahimik na lang sila.

27May ilang Saduceo na lumapit kay Hesus at nagtanong. Sila ang mga Hudyo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.

28Sinabi nila, “Guro, ayon po sa batas na isinulat ni Moises, kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa kanyang asawa, dapat ay pakasalan ng kapatid niyang lalaki ang naiwan niyang asawa, upang magkaanak sila para sa kanya.

29Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak.

30Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid. Ngunit namatay din siya na wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo hanggang sa ikapitong kapatid. Namatay silang lahat na walang anak sa babae.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.