Lucas 20

Nabigo ang mga espiya sa pakay nilang mabitag si Hesus sa kanyang pananalita sa harapan ng mga tao. At dahil namangha sila sa kanyang sagot, tumahimik na lang sila.

Luke 20:26 (UKJV) And they could not take hold of his words before the people: and they marvelled at his answer, and held their peace.

24“Patingin nga ng pera. Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit dito?” Sumagot sila, “Sa Emperador.”

25Sinabi ni Hesus, “Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.”

26Nabigo ang mga espiya sa pakay nilang mabitag si Hesus sa kanyang pananalita sa harapan ng mga tao. At dahil namangha sila sa kanyang sagot, tumahimik na lang sila.

27May ilang Saduceo na lumapit kay Hesus at nagtanong. Sila ang mga Hudyo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.

28Sinabi nila, “Guro, ayon po sa batas na isinulat ni Moises, kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa kanyang asawa, dapat ay pakasalan ng kapatid niyang lalaki ang naiwan niyang asawa, upang magkaanak sila para sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.