Lucas 20

“Patingin nga ng pera. Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit dito?” Sumagot sila, “Sa Emperador.”

Luke 20:24 (UKJV) Show me a penny. Whose image and superscription has it? They answered and said, Caesar's.

22Sabihin nʼyo po, nararapat po ba na magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?”

23Ngunit alam ni Hesus ang katusuhan nila, kaya sinabi niya,

24“Patingin nga ng pera. Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit dito?” Sumagot sila, “Sa Emperador.”

25Sinabi ni Hesus, “Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.”

26Nabigo ang mga espiya sa pakay nilang mabitag si Hesus sa kanyang pananalita sa harapan ng mga tao. At dahil namangha sila sa kanyang sagot, tumahimik na lang sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.