21Sinabi ng mga espiya kay Hesus, “Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi at itinuturo ninyo. At wala kayong pinapaboran. Sa halip ay itinuturo ninyo kung ano ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos.
22Sabihin nʼyo po, nararapat po ba na magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?”
23Ngunit alam ni Hesus ang katusuhan nila, kaya sinabi niya,
24“Patingin nga ng pera. Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit dito?” Sumagot sila, “Sa Emperador.”
25Sinabi ni Hesus, “Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.”