Lucas 20

Sinabi ng mga espiya kay Hesus, “Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi at itinuturo ninyo. At wala kayong pinapaboran. Sa halip ay itinuturo ninyo kung ano ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos.

Luke 20:21 (UKJV) And they asked him, saying, Master, we know that you says and teach rightly, neither accept you the person of any, but teach the way of God truly:

19Nang mapansin ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga namamahalang pari na sila ang pinatatamaan ni Hesus sa talinghagang iyon, sinubukan nilang dakpin siya noon din, ngunit hindi nila ito nagawa dahil natakot sila sa mga tao.

20Kaya naghintay na lang sila ng ibang pagkakataon. Nagsugo sila ng mga espiya na magpapanggap na mabuti ang layunin nila sa pagpunta kay Hesus upang hulihin siya sa mga pananalita niya at maisakdal sa gobernador.

21Sinabi ng mga espiya kay Hesus, “Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi at itinuturo ninyo. At wala kayong pinapaboran. Sa halip ay itinuturo ninyo kung ano ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos.

22Sabihin nʼyo po, nararapat po ba na magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?”

23Ngunit alam ni Hesus ang katusuhan nila, kaya sinabi niya,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.