1Isang araw, habang nangangaral ng Magandang Balita si Hesus sa mga tao sa Templo, lumapit sa kanya ang mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at mga pinuno ng mga Hudyo.
2Sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo nga sa amin kung ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito. Sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na iyan?”
3Sinagot sila ni Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Sabihin ninyo sa akin,
4kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa Diyos ba o sa tao?”
5Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’