3Sinagot sila ni Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Sabihin ninyo sa akin,
4kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa Diyos ba o sa tao?”
5Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’
6Ngunit kung sasabihin nating mula sa tao, babatuhin tayo ng mga tao, dahil naniniwala silang si Juan ay propeta ng Diyos.”
7Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.”