5Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’
6Ngunit kung sasabihin nating mula sa tao, babatuhin tayo ng mga tao, dahil naniniwala silang si Juan ay propeta ng Diyos.”
7Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.”
8Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.”
9Pagkatapos noon, ikinuwento ni Hesus sa mga tao ang talinghagang ito: “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pagkatapos, pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar, at nanatili roon nang matagal.