Lucas 20

Pagkatapos noon, ikinuwento ni Hesus sa mga tao ang talinghagang ito: “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pagkatapos, pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar, at nanatili roon nang matagal.

Luke 20:9 (UKJV) Then began he to speak to the people this parable; A certain man planted a vineyard, and let it forth to husbandmen, and went into a far country for a long time.

7Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.”

8Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.”

9Pagkatapos noon, ikinuwento ni Hesus sa mga tao ang talinghagang ito: “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pagkatapos, pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar, at nanatili roon nang matagal.

10Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang isang alipin sa mga magsasakang umuupa ng kanyang ubasan upang kunin ang parte niya. Ngunit binugbog ng mga magsasaka ang alipin at pinaalis na walang dala.

11Nagpadala ulit ang may-ari ng isa pang alipin, pero binugbog din nila at hiniya, at pinaalis na wala ring dala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.