Lucas 20

Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang isang alipin sa mga magsasakang umuupa ng kanyang ubasan upang kunin ang parte niya. Ngunit binugbog ng mga magsasaka ang alipin at pinaalis na walang dala.

Luke 20:10 (UKJV) And at the season he sent a servant to the husbandmen, that they should give him of the fruit of the vineyard: but the husbandmen beat him, and sent him away empty.

8Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.”

9Pagkatapos noon, ikinuwento ni Hesus sa mga tao ang talinghagang ito: “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pagkatapos, pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar, at nanatili roon nang matagal.

10Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang isang alipin sa mga magsasakang umuupa ng kanyang ubasan upang kunin ang parte niya. Ngunit binugbog ng mga magsasaka ang alipin at pinaalis na walang dala.

11Nagpadala ulit ang may-ari ng isa pang alipin, pero binugbog din nila at hiniya, at pinaalis na wala ring dala.

12Nagsugo ulit siya ng ikatlong alipin, pero sinaktan din nila ito at pinalayas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.