Lucas 20

Nagsugo ulit siya ng ikatlong alipin, pero sinaktan din nila ito at pinalayas.

Luke 20:12 (UKJV) And again he sent a third: and they wounded him also, and cast him out.

10Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang isang alipin sa mga magsasakang umuupa ng kanyang ubasan upang kunin ang parte niya. Ngunit binugbog ng mga magsasaka ang alipin at pinaalis na walang dala.

11Nagpadala ulit ang may-ari ng isa pang alipin, pero binugbog din nila at hiniya, at pinaalis na wala ring dala.

12Nagsugo ulit siya ng ikatlong alipin, pero sinaktan din nila ito at pinalayas.

13“Nag-isip ang may-ari ng ubasan, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Ah, alam ko na! Papupuntahin ko sa kanila ang minamahal kong anak. Siguro naman ay igagalang nila siya.’

14“Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak niya, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.