11Nagpadala ulit ang may-ari ng isa pang alipin, pero binugbog din nila at hiniya, at pinaalis na wala ring dala.
12Nagsugo ulit siya ng ikatlong alipin, pero sinaktan din nila ito at pinalayas.
13“Nag-isip ang may-ari ng ubasan, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Ah, alam ko na! Papupuntahin ko sa kanila ang minamahal kong anak. Siguro naman ay igagalang nila siya.’
14“Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak niya, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’
15Kaya dinala nila ito sa labas ng ubasan at pinatay. “Ngayon, ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan?