Lucas 20

“Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak niya, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’

Luke 20:14 (UKJV) But when the husbandmen saw him, they reasoned among themselves, saying, This is the heir: come, let us kill him, that the inheritance may be ours.

12Nagsugo ulit siya ng ikatlong alipin, pero sinaktan din nila ito at pinalayas.

13“Nag-isip ang may-ari ng ubasan, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Ah, alam ko na! Papupuntahin ko sa kanila ang minamahal kong anak. Siguro naman ay igagalang nila siya.’

14“Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak niya, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’

15Kaya dinala nila ito sa labas ng ubasan at pinatay. “Ngayon, ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan?

16Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan.” Nang marinig ito ng mga tao, sinabi nila, “Huwag sanang ipahintulot ng Diyos na mangyari ito!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.