14“Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak niya, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’
15Kaya dinala nila ito sa labas ng ubasan at pinatay. “Ngayon, ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan?
16Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan.” Nang marinig ito ng mga tao, sinabi nila, “Huwag sanang ipahintulot ng Diyos na mangyari ito!”
17Tiningnan sila ni Hesus at tinanong, “Ano ba ang ibig sabihin ng talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon.’
18Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, ngunit ang mahulugan nito ay madudurog.”