Lucas 20

Tiningnan sila ni Hesus at tinanong, “Ano ba ang ibig sabihin ng talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon.’

Luke 20:17 (UKJV) And he beheld them, and said, What is this then that is written, The stone which the builders rejected, the same is become the head of the corner?

15Kaya dinala nila ito sa labas ng ubasan at pinatay. “Ngayon, ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan?

16Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan.” Nang marinig ito ng mga tao, sinabi nila, “Huwag sanang ipahintulot ng Diyos na mangyari ito!”

17Tiningnan sila ni Hesus at tinanong, “Ano ba ang ibig sabihin ng talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon.’

18Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, ngunit ang mahulugan nito ay madudurog.”

19Nang mapansin ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga namamahalang pari na sila ang pinatatamaan ni Hesus sa talinghagang iyon, sinubukan nilang dakpin siya noon din, ngunit hindi nila ito nagawa dahil natakot sila sa mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.