16Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan.” Nang marinig ito ng mga tao, sinabi nila, “Huwag sanang ipahintulot ng Diyos na mangyari ito!”
17Tiningnan sila ni Hesus at tinanong, “Ano ba ang ibig sabihin ng talatang ito sa Kasulatan? ‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay ang siyang naging batong pundasyon.’
18Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, ngunit ang mahulugan nito ay madudurog.”
19Nang mapansin ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga namamahalang pari na sila ang pinatatamaan ni Hesus sa talinghagang iyon, sinubukan nilang dakpin siya noon din, ngunit hindi nila ito nagawa dahil natakot sila sa mga tao.
20Kaya naghintay na lang sila ng ibang pagkakataon. Nagsugo sila ng mga espiya na magpapanggap na mabuti ang layunin nila sa pagpunta kay Hesus upang hulihin siya sa mga pananalita niya at maisakdal sa gobernador.