40At wala nang nangahas na magtanong sa kanya.
41Ngayon, si Hesus naman ang nagtanong sa kanila, “Bakit sinasabi ng mga tao na ang Mesias daw ay anak lang ni David?
42Samantalang si David na rin ang nagsabi sa Aklat ng mga Salmo, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon: “Umupo ka rito sa aking kanan
43hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.” ’
44Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano masasabing anak lang siya ni David?”