38Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay, para sa kanya ang lahat ay buhay.”
39Sinabi ng ilang tagapagturo ng Kautusan, “Guro, mahusay ang sagot ninyo.”
40At wala nang nangahas na magtanong sa kanya.
41Ngayon, si Hesus naman ang nagtanong sa kanila, “Bakit sinasabi ng mga tao na ang Mesias daw ay anak lang ni David?
42Samantalang si David na rin ang nagsabi sa Aklat ng mga Salmo, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon: “Umupo ka rito sa aking kanan