36Hindi na rin sila mamamatay dahil matutulad na sila sa mga anghel. Silaʼy mga anak ng Diyos dahil muli silang binuhay.
37Maging si Moises ay nagpapatunay na muling bubuhayin ang mga patay. Sapagkat nang naroon siya sa nagliliyab na mababang punongkahoy, tinawag niya ang Panginoon na ‘Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob.’
38Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay, para sa kanya ang lahat ay buhay.”
39Sinabi ng ilang tagapagturo ng Kautusan, “Guro, mahusay ang sagot ninyo.”
40At wala nang nangahas na magtanong sa kanya.