17Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin.
18Ngunit hindi kayo mapapahamak.
19At kung magpapakatatag kayo, magkakaroon kayo ng buhay.
20“Kapag nakita ninyong napapaligiran na ng mga sundalo ang Jerusalem, malalaman ninyong malapit na itong mawasak.
21Kaya ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan, at ang mga nasa Jerusalem ay kailangang umalis agad. At ang mga nasa bukid naman ay huwag nang bumalik pa sa Jerusalem.