Lucas 21

Ang iba sa kanilaʼy papatayin sa espada, at ang iba namaʼy dadalhing bihag sa ibang mga bansa. At ang Jerusalem ay sasakupin ng mga hindi Hudyo hanggang sa matapos ang panahong itinakda ng Diyos sa kanila.

Luke 21:24 (UKJV) And they shall fall by the edge of the sword, and shall be led away captive into all nations: and Jerusalem shall be trodden down of the Gentiles, until the times of the Gentiles be fulfilled.

22Sapagkat panahon na iyon ng pagpaparusa, upang matupad ang nakasaad sa Kasulatan.

23Kaawa-awa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon! Darating ang napakatinding paghihirap sa lupaing ito dahil sa matinding galit ng Diyos sa mga tao rito.

24Ang iba sa kanilaʼy papatayin sa espada, at ang iba namaʼy dadalhing bihag sa ibang mga bansa. At ang Jerusalem ay sasakupin ng mga hindi Hudyo hanggang sa matapos ang panahong itinakda ng Diyos sa kanila.

25“May mga palatandaang makikita sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Mababagabag ang mga bansa at hindi nila malalaman kung ano ang gagawin nila dahil sa malalakas na ugong ng mga alon sa dagat.

26Hihimatayin sa takot ang mga tao dahil sa mga mangyayari sa mundo, dahil mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.