Lucas 21

Hihimatayin sa takot ang mga tao dahil sa mga mangyayari sa mundo, dahil mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit.

Luke 21:26 (UKJV) Men's hearts failing them for fear, and for looking after those things which are coming on the earth: for the powers of heaven shall be shaken.

24Ang iba sa kanilaʼy papatayin sa espada, at ang iba namaʼy dadalhing bihag sa ibang mga bansa. At ang Jerusalem ay sasakupin ng mga hindi Hudyo hanggang sa matapos ang panahong itinakda ng Diyos sa kanila.

25“May mga palatandaang makikita sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Mababagabag ang mga bansa at hindi nila malalaman kung ano ang gagawin nila dahil sa malalakas na ugong ng mga alon sa dagat.

26Hihimatayin sa takot ang mga tao dahil sa mga mangyayari sa mundo, dahil mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit.

27At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.

28Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, umasa kayo at maghintay dahil malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.