26Hihimatayin sa takot ang mga tao dahil sa mga mangyayari sa mundo, dahil mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit.
27At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.
28Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, umasa kayo at maghintay dahil malapit na ang pagliligtas sa inyo.”
29Ikinuwento sa kanila ni Hesus ang paghahalintulad na ito: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ang iba pang punongkahoy.
30Kapag nagkakadahon na ang mga ito alam ninyong malapit na ang tag-init.