27At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.
28Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, umasa kayo at maghintay dahil malapit na ang pagliligtas sa inyo.”
29Ikinuwento sa kanila ni Hesus ang paghahalintulad na ito: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ang iba pang punongkahoy.
30Kapag nagkakadahon na ang mga ito alam ninyong malapit na ang tag-init.
31Ganoon din naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinasabi kong ito sa inyo, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos.