Lucas 21

At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.

Luke 21:27 (UKJV) And then shall they see the Son of man coming in a cloud with power and great glory.

25“May mga palatandaang makikita sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Mababagabag ang mga bansa at hindi nila malalaman kung ano ang gagawin nila dahil sa malalakas na ugong ng mga alon sa dagat.

26Hihimatayin sa takot ang mga tao dahil sa mga mangyayari sa mundo, dahil mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit.

27At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.

28Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, umasa kayo at maghintay dahil malapit na ang pagliligtas sa inyo.”

29Ikinuwento sa kanila ni Hesus ang paghahalintulad na ito: “Tingnan ninyo ang puno ng igos at ang iba pang punongkahoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.