36Kaya maging handa kayo sa lahat ng oras. Palagi kayong manalangin upang magkaroon kayo ng lakas na mapagtagumpayan ang lahat ng mangyayaring paghihirap, at makatayo kayo sa harap ng Anak ng Tao nang hindi napapahiya.”
37Araw-araw, nagtuturo si Hesus sa templo. Pagsapit ng gabi, pumupunta siya sa Bundok ng mga Olibo para magpalipas ng gabi.
38At maagang pumupunta ang mga tao sa Templo upang makinig sa kanya.