1Nalalapit na noon ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa na tinatawag ding Pista ng Paglampas ng Anghel.
2Ang mga namamahalang pari at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay naghahanap ng paraan upang maipapatay si Hesus nang hindi nagkakagulo, dahil natatakot sila sa mga tao.
3Pumasok si Satanas kay Judas na tinatawag na Iscariote. Isa siya sa labindalawang alagad ni Hesus.