Lucas 21

Tinanong nila si Hesus, “Guro, kailan po mangyayari ang sinabi ninyo? At ano ang mga palatandaan kung malapit nang mangyari iyon?”

Luke 21:7 (UKJV) And they asked him, saying, Master, but when shall these things be? and what sign will there be when these things shall come to pass?

5May ilan doon na nag-uusap tungkol sa mga mamahaling bato ng templo at mga palamuti nito na inihandog ng mga tao. Sinabi sa kanila ni Hesus,

6“Darating ang araw na ang lahat ng nakikita ninyong iyan ay magigiba at walang maiiwang bato na magkapatong.”

7Tinanong nila si Hesus, “Guro, kailan po mangyayari ang sinabi ninyo? At ano ang mga palatandaan kung malapit nang mangyari iyon?”

8Sumagot si Hesus, “Mag-ingat kayo at huwag palinlang. Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan at sasabihin nilang sila ang Mesias, at sasabihin din nilang dumating na ang panahon. Huwag kayong maniniwala sa kanila.

9At kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan, huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa kaagad darating ang katapusan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.