Lucas 21

Sumagot si Hesus, “Mag-ingat kayo at huwag palinlang. Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan at sasabihin nilang sila ang Mesias, at sasabihin din nilang dumating na ang panahon. Huwag kayong maniniwala sa kanila.

Luke 21:8 (UKJV) And he said, Take heed that all of you be not deceived: for many shall come in my name, saying, I am Christ; and the time draws near: go all of you not therefore after them.

6“Darating ang araw na ang lahat ng nakikita ninyong iyan ay magigiba at walang maiiwang bato na magkapatong.”

7Tinanong nila si Hesus, “Guro, kailan po mangyayari ang sinabi ninyo? At ano ang mga palatandaan kung malapit nang mangyari iyon?”

8Sumagot si Hesus, “Mag-ingat kayo at huwag palinlang. Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan at sasabihin nilang sila ang Mesias, at sasabihin din nilang dumating na ang panahon. Huwag kayong maniniwala sa kanila.

9At kung makabalita kayo ng mga digmaan at mga himagsikan, huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa kaagad darating ang katapusan.”

10Sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.