14Pagdating ng oras ng hapunan, kumain si Hesus at ang kanyang mga apostol.
15Sinabi ni Hesus sa kanila, “Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako magdusa.
16Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling kakain nito hanggang sa matupad ang kahulugan nito sa araw ng paghahari ng Diyos.”
17Pagkatapos, kumuha siya ng inumin, nagpasalamat sa Diyos, at sinabi sa kanila, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian.
18Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng Diyos.”