Lucas 22

Sinabi ni Hesus sa kanila, “Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako magdusa.

Luke 22:15 (UKJV) And he said unto them, With desire I have desired to eat this passover with you before I suffer:

13Lumakad sila at nakita nga nila ang lahat ayon sa sinabi ni Hesus sa kanila. At inihanda nila roon ang hapunan para sa Pista.

14Pagdating ng oras ng hapunan, kumain si Hesus at ang kanyang mga apostol.

15Sinabi ni Hesus sa kanila, “Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako magdusa.

16Sapagkat sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling kakain nito hanggang sa matupad ang kahulugan nito sa araw ng paghahari ng Diyos.”

17Pagkatapos, kumuha siya ng inumin, nagpasalamat sa Diyos, at sinabi sa kanila, “Kunin ninyo ito at paghati-hatian.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.