Lucas 22

Lumakad sila at nakita nga nila ang lahat ayon sa sinabi ni Hesus sa kanila. At inihanda nila roon ang hapunan para sa Pista.

Luke 22:13 (UKJV) And they went, and found as he had said unto them: and they made ready the passover.

11at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong ng Guro kung saan ang kuwartong kakainan niya ng hapunan kasama ang mga alagad niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’

12Isasama niya kayo sa itaas at ituturo sa inyo ang isang malaking kuwarto na kumpleto ang kagamitan. Doon kayo maghanda ng hapunan natin.”

13Lumakad sila at nakita nga nila ang lahat ayon sa sinabi ni Hesus sa kanila. At inihanda nila roon ang hapunan para sa Pista.

14Pagdating ng oras ng hapunan, kumain si Hesus at ang kanyang mga apostol.

15Sinabi ni Hesus sa kanila, “Gustong-gusto kong makasalo kayo sa hapunang ito sa pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel, bago ako magdusa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.