Lucas 22

at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong ng Guro kung saan ang kuwartong kakainan niya ng hapunan kasama ang mga alagad niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’

Luke 22:11 (UKJV) And all of you shall say unto the goodman of the house, The Master says unto you, Where is the guest room, where I shall eat the passover with my disciples?

9Nagtanong sila, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda?”

10Sumagot si Hesus, “Pagpasok ninyo sa lungsod ng Jerusalem, sasalubungin kayo ng isang lalaking may pasan-pasang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya,

11at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong ng Guro kung saan ang kuwartong kakainan niya ng hapunan kasama ang mga alagad niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’

12Isasama niya kayo sa itaas at ituturo sa inyo ang isang malaking kuwarto na kumpleto ang kagamitan. Doon kayo maghanda ng hapunan natin.”

13Lumakad sila at nakita nga nila ang lahat ayon sa sinabi ni Hesus sa kanila. At inihanda nila roon ang hapunan para sa Pista.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.