Lucas 22

Nagtanong sila, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda?”

Luke 22:9 (UKJV) And they said unto him, Where will you that we prepare?

7Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel.

8Kaya inutusan ni Hesus sina Pedro at Juan, “Ihanda ninyo ang hapunan natin para sa Pista ng Paglampas ng Anghel.”

9Nagtanong sila, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda?”

10Sumagot si Hesus, “Pagpasok ninyo sa lungsod ng Jerusalem, sasalubungin kayo ng isang lalaking may pasan-pasang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya,

11at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong ng Guro kung saan ang kuwartong kakainan niya ng hapunan kasama ang mga alagad niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.