Lucas 22

Kaya inutusan ni Hesus sina Pedro at Juan, “Ihanda ninyo ang hapunan natin para sa Pista ng Paglampas ng Anghel.”

Luke 22:8 (UKJV) And he sent Peter and John, saying, Go and prepare us the passover, that we may eat.

6Pumayag naman si Judas sa kasunduan, at mula noon, humanap siya ng pagkakataon upang maibigay sa kanila si Hesus nang hindi nalalaman ng mga tao.

7Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel.

8Kaya inutusan ni Hesus sina Pedro at Juan, “Ihanda ninyo ang hapunan natin para sa Pista ng Paglampas ng Anghel.”

9Nagtanong sila, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda?”

10Sumagot si Hesus, “Pagpasok ninyo sa lungsod ng Jerusalem, sasalubungin kayo ng isang lalaking may pasan-pasang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.