Lucas 22

Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel.

Luke 22:7 (UKJV) Then came the day of unleavened bread, when the passover must be killed.

5Natuwa sila at nakipagkasundo kay Judas na bayaran siya.

6Pumayag naman si Judas sa kasunduan, at mula noon, humanap siya ng pagkakataon upang maibigay sa kanila si Hesus nang hindi nalalaman ng mga tao.

7Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel.

8Kaya inutusan ni Hesus sina Pedro at Juan, “Ihanda ninyo ang hapunan natin para sa Pista ng Paglampas ng Anghel.”

9Nagtanong sila, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.