3Pumasok si Satanas kay Judas na tinatawag na Iscariote. Isa siya sa labindalawang alagad ni Hesus.
4Pumunta siya sa mga namamahalang pari at mga opisyal ng mga guwardiya sa templo, at pinag-usapan nila kung paano niya maibibigay sa kanila si Hesus.
5Natuwa sila at nakipagkasundo kay Judas na bayaran siya.
6Pumayag naman si Judas sa kasunduan, at mula noon, humanap siya ng pagkakataon upang maibigay sa kanila si Hesus nang hindi nalalaman ng mga tao.
7Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel.