19Pagkatapos, kumuha siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”
20Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa inumin: Kinuha niya ito at sinabi, “Ang inuming ito ang bagong kasunduan na pinagtibay ng dugo kong mabubuhos ng dahil sa inyo.
21Ngunit makinig kayo! Kasalo ko sa mesang ito ang taong magtatraydor sa akin.
22Sapagkat ayon sa itinalaga ng Diyos, ang Anak ng Tao ay papatayin, ngunit nakakaawa ang taong magtatraydor sa akin.”
23Nagtanungan sa isaʼt isa ang mga alagad niya kung sino kaya sa kanila ang gagawa noon.