Lucas 22

Kaya kung paanong binigyan ako ng aking Ama ng kapangyarihang maghari, kayo rin ay bibigyan ko ng ganoong kapangyarihan.

Luke 22:29 (UKJV) And I appoint unto you a kingdom, as my Father has appointed unto me;

27Sapagkat sino ba ang mas mataas, ang pinaglilingkuran o ang naglilingkod? Siyempre, ang pinaglilingkuran. Ngunit naglilingkod ako sa inyo kahit na ako ang Panginoon ninyo.

28“Kayo ang nanatiling kasama ko sa mga pagsubok na dinaranas ko.

29Kaya kung paanong binigyan ako ng aking Ama ng kapangyarihang maghari, kayo rin ay bibigyan ko ng ganoong kapangyarihan.

30Makakasalo ko kayo sa aking mesa sa aking kaharian, at uupo kayo sa mga trono upang mamahala sa labindalawang lahi ng Israel.

31“Simon, makinig kang mabuti! Humingi ng pahintulot si Satanas sa Diyos na subukin niya kayong lahat tulad ng pag-aalis ng ipa sa mga trigo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.