40Pagdating nila roon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.”
41Iniwan niya ang mga alagad niya at lumayo nang kaunti. Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin,
42“Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.” [
43Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas siya.
44Dahil sa paghihirap ng kanyang kalooban, lalo siyang nanalangin nang taimtim, at ang mga pawis niya ay parang dugo na tumutulo sa lupa.]