Lucas 22

Pagdating nila roon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.”

Luke 22:40 (UKJV) And when he was at the place, he said unto them, Pray that all of you enter not into temptation.

38Sinabi ng mga alagad niya, “Panginoon, may dalawa po kaming espada.” “Tama na iyan,” sagot niya.

39Lumabas si Hesus sa Jerusalem, at gaya ng nakaugalian niya, pumunta siya sa Bundok ng mga Olibo. Sumama rin ang mga alagad niya.

40Pagdating nila roon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.”

41Iniwan niya ang mga alagad niya at lumayo nang kaunti. Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin,

42“Ama, kung maaari ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masunod kundi ang kalooban ninyo.” [

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.