Lucas 22

Sinabi ng mga alagad niya, “Panginoon, may dalawa po kaming espada.” “Tama na iyan,” sagot niya.

Luke 22:38 (UKJV) And they said, Lord, behold, here are two swords. And he said unto them, It is enough.

36“Ngunit ngayon,” sabi ni Hesus, “Kung may pitaka o bag kayo, dalhin ninyo. At kung wala kayong espada, ipagbili ninyo ang damit ninyo at bumili kayo ng espada.

37Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kailangang matupad ang sinasabing ito sa Kasulatan tungkol sa akin: ‘Itinuring siyang isang kriminal.’ At natutupad na ito ngayon!”

38Sinabi ng mga alagad niya, “Panginoon, may dalawa po kaming espada.” “Tama na iyan,” sagot niya.

39Lumabas si Hesus sa Jerusalem, at gaya ng nakaugalian niya, pumunta siya sa Bundok ng mga Olibo. Sumama rin ang mga alagad niya.

40Pagdating nila roon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo madaig ng tukso.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.