Lucas 22

“Ngunit ngayon,” sabi ni Hesus, “Kung may pitaka o bag kayo, dalhin ninyo. At kung wala kayong espada, ipagbili ninyo ang damit ninyo at bumili kayo ng espada.

Luke 22:36 (UKJV) Then said he unto them, But now, he that has a purse, let him take it, and likewise his pouch: and he that has no sword, let him sell his garment, and buy one.

34Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Pedro, tandaan mo, bago tumilaok ang manok ngayong gabi, tatlong beses mong ikakaila na kilala mo ako.”

35Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Noong isinugo ko kayo na walang dalang pitaka, bag, o sandalyas, kinulang ba kayo?” Sumagot sila, “Hindi po.”

36“Ngunit ngayon,” sabi ni Hesus, “Kung may pitaka o bag kayo, dalhin ninyo. At kung wala kayong espada, ipagbili ninyo ang damit ninyo at bumili kayo ng espada.

37Sapagkat sinasabi ko sa inyo na kailangang matupad ang sinasabing ito sa Kasulatan tungkol sa akin: ‘Itinuring siyang isang kriminal.’ At natutupad na ito ngayon!”

38Sinabi ng mga alagad niya, “Panginoon, may dalawa po kaming espada.” “Tama na iyan,” sagot niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.